Agosto, Agosto, ano nga bang ibig sabihin mo? Maaari nating itanong kung wala tayong ideya. Kung wala nga, ito ang isang sanaysay, kung saan mabibigyan kayo ng kahit kaunting kaalaman tungkol rito.
Ang buwan ng Agosto ay ang Buwan ng Wika. Isang buwan, kung saan mas napapatatag ang ating pagkaPilipino at ang samahan natin bilang mga kapwa Pilipino. Sa ating Buwan ng Wika sa taong 2012, ang tema ay “Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng PagkaPilipino”. Ako pamandin ay isang mag-aaral sa isang simple, ngunit matagumpay na paaralang pansekondarya sa Pilipinas, ang Ilocos Sur National High school. Taon taon ay isa kami sa maraming eskuwelahan sa buong mundo na nagdiriwang ng Buwan ng Wika. Nagkakaroon kami ng iba’t ibang mga programa at gawain tulad ng mga contests. Nagkakaisa tayo sa iisang wika, ang wikang Filipino, at sa iisang layunin, ang patatagin ang ating bansa.
Sa pamamagitan ng iba’t ibang mga gawain sa ating eskuwelahan kung saan tayo ay dumadalo at sumasali, napapatibay natin ang ating pinakamamahal na wika. At kung ang wikang ito ay tunay ngang pinapahalagahan, mas mapapalakas ang ating pagkaPilipino, ang ating pagkamakabayan. Kaya dito ngayon tayo magsimulang muling magpatibay. Kaya’t sama na! Tara na at makibahagi sa okasyong ito.